Ang mga bata ang pinamasayang grasya na naibigay sa isang tao. Sila ang nagsisislbing stress reliever natin dahil sa ligayang naihahatid nila sa mga taong nakapaligid sa kanila. Sila ang pag-asa ng susunod na henerasyon kaya hayaan natin silang maglaro, sumaya at matuto sa kanilang iba't- ibang kagustuhan. Huwag nating hayaan na lumaki ang bata na malungkot, na may pinaghuhugutang sakit. Bigyan natin sila ng oras at ibigay kung ano ang kanilang kagustuhan.
"Isulong: Tamang Pag-aaruga para sa lahat ng Bata" ay ang tema ng Children's Month ng taong ito, 2018. Sa mismong tema nito, nais nitong ipahatid na alagaan sa mabuting paraan ang mga bata. Bigyan sila ng sapat na proteksiyon at pagmamahal ng sa gayon ay maramdaman na nila sa murang edad ang pagmamahal na galing sa mahal nila sa buhay. Iparamdam natin sa kanila ang kanilang importansya. Huwag nating hayaan na sila ay pakalat-kalat lang sa mga kalsada. Bigyan natin sila ng buhay na masaya. Wala namang magulang na gustong nahihirapan ang kanilang mga anak lalo na kung ito ay nasa murang edad pa lamang. Isang tungkulin ng mga magulang ang maghanap-buhay para maibigay nila sa kanilang mga anak ang kanilang mga kagustuhan, o mga bagay na kanilang kailangan. Tungkulin ng mga magulang ang pakainin ang kanilang mga anak araw-araw at sila'y alagaan. Ibigay kung ano ang kanilang kagustuhan pero ipaalam din ang kanioang limitasyon. Ang mga bata ay grasya kaya huwag natin silang sasaktan physically, emotionally man o verbally dahil maaaring mawawalan na ito ng interes sa lahat ng bagay.
"Masayang buhay dapat na ibigay sa mga batang naglalakbay". Sa ginawa kong pangungusap na ito ang paglalakbay ay nangangahulugang paglaki at pagkatuto ng mga bata. Ang tamang pag-aaruga ay dapat na ibigay sa kanila para maiwasan ang tinataqag nating child labor. Hayaan nating tamahasin nila ang kanilang pagkabata. Ipakita natin sa kanila ang tamang daan, atin silang sundan at gabayan. Tayong mga nakakatanda ay dapat na maging inspirasyon.