Wednesday, 1 August 2018

Wikang Kinalakihan, Sumisimbolo ng Katauhan


Saang sulok man ng mundo may isang wika na ginagamit at ito’y pinagbubuklo-buklod ang mga mamamayan. Ginagamit natin ang wika bilang daan ng ating pagkakaunawaan. Bawat taon naipagdidiriwang ang pagpapahalaga at pagbibigay pugay sa ating wika. Sa buwan ng Agosto, Wikang Pambansa ay kinikilala at ipinagmamalaki. Mahalaga ang wika sa ating sarili, sa kapwa, at sa lipunan. Napakagandang regalo na ibinigay ng Maykapal at ang wikang ito ay ginagamit rin sa pakikipag-usap sa kanya. Napaka  importante ng wika. Ang pagkakaroon ng ugnayan o mabuting samahan ay ito ang daan. Sa pagdidiriwang ng Buwan ng Wika ngayong tao, ano ang layunin ng tema?

“Filipino: Wika ng Saliksik”. Ang layunin ng temang ito ay ang pagpapalaganap sa wikang Filipino na gamitin sa pagtuturo sa Agham, Matematika at iba pang larangan ng karunungan. Ang layunin ng temang ito ay tulungan ang mga tao lalong lalo na ang mga mag-aaral dahil ang wikang Filipino ay nais na gamitin ng mga guro sa pagtuturo upang mas lalo natin itong maintindihan. Sa pagpapalawak ng kaalaman ang wikang minamahal natin ang ating gagamitin para sa ganon ay naroon parin ang magandang samahan o pagkakaunawaan ng mga mamamayan. Alam nating ang Wikang Ingles ay hindi masyadong naiintindihan ng mga estudyante. Wala silang matututunan kung wala silang naiintindihan. Mahirap maunawaan ang wikang ito. Sa limang taong pinagtanungan ko, mas pinili ng apat ang Wikang Filipino at isa sa Wikang Ingles. “ Mas madaling maintindihan” ang opiniyon ng apat at “ Paano natin matututunan ang Wikang Ingles kung hindi natin ito gamitin?” tanong ng isa. Oo, kung di natin ito gagamitin hindi tayo masasanay pero mas gugustuhin mo bang maghirap sa pag-uunawa sa iyong mga aralin at pakikipag-komunikasyon sa ibang tao? At kung gagamitin mo ito at hindi ka sanay, baka may masabi ka pang mali at ito’y magdudulot ng hin pagkakaunawaan.

Sa karangalan ng Buwan ng Wika, nais kong magbahagi ng mga katotohanan tungkol sa Wika natin. Ang “tagalog” ay nagmula sa parilarang “taga-ilog” na nangangahulugang mula sa ilog. Ginagamit rin ito sa pagtutukoy sa mga nakatira sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at Gitnang Luzon. “Filipino” ang pamantayang anyo ng Tagalog na salita ng 28 milyong katao bilang kanilang unang wika, at 45 milyon bilang kanilang panglawang wika.

Napakahalaga ng Wikang Filipino. Ito ang nagiging simbolo sa katauhan ng mga Pilipino. Tayo ay tumuon sa Wikang sariling atin para mapaunlad ang bansang kinalakihan natin. Ating balikan ang ating kasaysayan at alamin kung paano nabuo ang ating wika. Buwan ng Agosto man ang Buwan ng Wika pero gawin natin itong araw-araw dahil ginagamit naman natin ito segu-segundo sa ating buhay.




REFERENCE
https://philnews.ph/2018/07/20/buwan-ng-wika-2018-deped-kwf-memorandum-theme/

No comments:

Post a Comment